Ang Karanasan ng Mamamayan: Isang Mahalagang Salik sa Pagpili ng mga Pinuno sa Halalan

Olivia Did What?
3 min readDec 5, 2024

--

Photo created by AI

Ang kahalagahan ng pagsusuri sa mga hindi epektibong programa at pamamalakad ng gobyerno sa mga nakaraang taon bilang isang gabay sa pagpili ng mga kinatawan sa paparating na Halalan..

Ang paparating na halalan ay isang pagkakataon para sa bawat Pilipino na muling hubugin ang kinabukasan ng bansa. Isang mahalagang bahagi sa paggawa ng desisyon sa panahon ng halalan ay ang pagsasaalang-alang at pagsusuri. sa karanasan ng bawat Pilipinong naapektuhan sa hindi epektibong programa at pamamalakad ng gobyerno sa mga nakaraang taon. Hindi sapat na pagtuunan lamang ng pansin ang mga pangako ng mga tumatakbong kandidato, kailangan pagtuunan ng pansin ang mga karanasan sa nakaraan upang matiyak na tama ang pagpili sa mamumuno na siguradong may kakayahang tugunan ang pangangailangan ng mamamayang Pilipino. Sa pamamagitan ng pag unawa sa salik na ito mabibigyang gabay ang bawat Pilipinong handang bumoto para sa ikauunlad ng kinabukasan ng bansa.

Ang Pilipinas ay nahaharap sa iba’t ibang hamon, Sa argumento ni Patrick (2009)

Lahat ng mga kandidato ay inaaming dumarami ang naghihirap na mga Pilipino. Ito ang katotohanang hindi nila kayang itago. Isang katotohanan na lagi na lang may “solusyon” sa panahon ng kampanya ng eleksyon. Katotohanan na ang “solusyon” diumano ay kung si ganito o si ganoon ang mananalo at makaupo sa pwesto. Laging ganito ang naririnig at nababasa ng taumbayan, laluna ng manggagawa at maralita tuwing sasapit ang halalan. Upang. mabigyang hustisya ang mga isyu na hindi natutugunan sa nakalipas na taon ang mga botante ay dapat maging mapanuri. Sa panahon ng halalan, mahalaga na ihambing ang mga paninindigan at plano ng mga kandidato. Ayon kay Umali (2021) Ang mga kandidatong ang mga pangako ay bibihag sa imahinasyon ng mga botante ay paniguradong mananalo. Huwag padadala sa matatayog na pangako na imposibleng namang maisakatuparan. Kung ang pangako ng isang kandidato ay pang-science fiction kaysa pang-realidad. Huwag lamang makinig sa mga pangako, kundi humingi ng malinaw na mga plano at tiyak na mga datos upang maunawaan ang kanilang mga karanasan at kakayahan. Kailangan ding suriin ang kanilang mga talaan na nagawa sapagkat ang nakalipas na mga aksyon ay isang malakas na tagapag pahiwatig ng kanilang mga hinaharap na aksyon. Base kay Romano (2022) Maaari namang ipakita ng mga kandidato ang kanilang kalidad bilang isang lider ng bayan sa iba’t ibang paraan. Isa na rito ang pagpapahayag ng mga plano sa pamamagitan ng pagdalo sa mga debate. Dito mapag-uusapan ang kani-kanilang solusyon sa mga isyung kinakaharap ng bansa o ng bayang paglilingkuran.

Maging maingat sa pagbibigay ng tiwala sa mga taong walang nakikitang rekord ng pagkilos. Huwag matakot na magtanong tungkol sa mga tiyak na isyu na nakakaapekto sa inyo. Ang pakikipagugnayan sa mga kapwa Pilipino na mulat sa realidad, pag alam sa karanasan ng mga taong nasa paligid. Ang mga Pilipino ay may kakayahang magpasya ng isang hinaharap na puno ng pag-asa at pag-unlad. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga nakaraang karanasan at pagtuon sa mga konkretong suliranin, mas mauunawaan ng bawat botante ang mga tunay na pangangailangan ng ating bansa at pipiliin ang pinuno na may kakayahang umunlad ang bansa. Ang pagbabago ay magsisimula sa ating boto.

--

--

Olivia Did What?
Olivia Did What?

Written by Olivia Did What?

My Point Of View. Not really into writing but striving to be better.

No responses yet